April 1, 2005
|
April fools!!!! birthday ng friend ko ngayon si JP..hindi ko naman mabati, wala na kasi siyang cel. well ano bang pwedeng maikuwento... ah kanina sa bago kong school(sa st.dominic) niloloko nila ako na may balat sa puwet(para sa hindi nakakaalam ng balat-- birthmark po un)and why?!?! kasi kapag hands-on namin, kahit tama ang mga codes ko sa program ko eh hindi nagrurun ung ginawa ko.. tama naman lahat ng syntax..lahat ng pwedeng paglagyan ng semi-colon, nalagyan ko na ayaw pa rin, pero kapag nag-giveup ka na ..bigla naman gagana..kanina ung ginagamit ni sir na cd sa paglelecture ay sumabog sa loob ng cdrom,as usual ako niloko na naman nila ako, kahit nga sa paguwi (nagtataxi kasi kami,si sir jb ang nagbabayad hehehe) tinatangihan kami ng mga taxi drivers kasi malapit lang ung destination namin..eh nung wala pa ako sa st.dominic..hindi naman sila tinatanggihan ng mga taxi drivers..ganun talaga kapag ikaw ang pinakabata ikaw lagi ang pagtritripan..pero ok lang un hindi naman sila nakakapikon eh,masaya nga silang kasama... |
March 30, 2005
|
well wala akong magawa today, so i decided na iupdate itong page ko,kanina sa class
ko sa php nagkuwentuhan lang kami nila kuya max, kuya rex, kuya don at ate haver, absent kasi si sir jb..
si sir talaga hindi man lang sinabi na nasa pangasinan pala siya,pero ok lang iyon at least my
allowance ako ngayong araw na ito...March 16, ang first day ko sa St.Dominic Institute..mejo kinabahan
ako nung nakita ko ung mga magiging classmates,mga professional progrmmers na kasi sila ate haver,
at nine years na sila sa trabaho nila..eh d ang galing nila diba..hindi tulad ko,gragraduate palang at
hindi genius pagdating sa programming...pero tulad nga ng sinabi ni sir jb masuwerte na rin ako,
kasi mga "mature" na ang mga classmates, so maiinfluence nila ako na magkaroon ng focus sa career ko.
Kapag hands-on nga namin,ako lagi ang kulelat sa lima..pero ok lang un nakakahabol pa rin ako.
Nung nasa PUP ako, kinuha kong elective database administration, heavy ang dating diba?pero hindi talaga ako magaling sa programming, may alam na kasi ako pagdating sa web(obvious naman diba! [yabang hehehe]),sa programming talaga ako mahina, so para challenge ko na rin sa sarili ko, kukunin ko ang elective kung saan ako mahina,(paikot-ikot lang ang sinasabi ko..:P)tapos heto nasa St. Dominic na ako nagaaral ng basic and advance php for four months,...F.Y.I. ang PHP ay web programming, o diba ang galing ni Lord, magpasasama ko na ung knowledge ko sa web at ung mga natutunan ko progamming sa db administration... and take note!--> Linux na ang gamit namin, wala lang share ko lang, ganda ng linux nasa kanya na lahat hehehe sensiya na wala kasi sa bundok namin ang Linux, kaya heto gandang-ganda sa linux..o cge hanggang dito lang muna mejo mahaba na rin ang napost ko. |